Ang manggagawa ay mahalaga sa sektor ng Industriya. Kaya’t mahalaga na
nalalaman ng mga manggagawa ang ibat-ibang karapatan nila. Narito ang ibang mga
karapatan ng manggagawa, tamang pasweldo sa trabaho, mayroong isang araw na
pahinga sa bawat linggo, dagdag sahod sa sobrang oras ng pagtatrabaho, may
break o oras para kuamain. Kung ang empleyado naman ay buntis siya dapat ay
magkaroon ng maternity leave na dalawang linggong leave bago ang araw ng
panganganak, apat na linggong leave pagtapos ng panganganak. Ang bawat
karapatan ay may nakapaloob na batas kaya’t dapat itong sundin ng mag kompanya
upang maiwasan ang anumang abala. Sa mga karapatan na ito nakasalalay ang
kaligtasan ng bawat manggagawa. Maaaring magsampa ng kaso ang manggagawa laban
sa kompanyang kanyang pinagtatrabahuhan kung mayroon mang paglabag sa mga
karapatang ito. Mahalagang malaman ng mga manggagawa ang mga karapatang ito
upang sila ay maproteksyunan sa anumang panganib na maaaring maranasan nila.
Sa aking napapansin, maraming Pilipino pa rin ang inaabuso sa ibang mga
bansa hindi dahil sa hindi nila alam ang kanilang mga karapatan kundi dahil mas
pipiliin nilang masaktan at abusuhin ng ibang tao makapag padala lang ng pera
sa kanilang pamilya dito sa pilipinas. Ang iba naman ay natatakot na
magsumbong sa pamahalaan ng bansang kanilang pinasok dahil may posibilidad na
hindi sila paniwalaan dahil sila ay isang Pilipino. Hindi dapat tayo
nagpapatalo sa iba pang mga bansa dahil kung patuloy tayong nagpapatapak sa
kanila ay mas lalong lalaganap ang pang aabuso sa mga Pilipino.
ok
ReplyDeleteThank you
ReplyDelete