Monday, 25 February 2013

#4- Kalagayan ng Lakas Paggawa





Ang Lakas Paggawa o Labor Force ay ang edad 15 pataas na may sapat na lakas at kasanayan upang aktibong makilahok sa mga gawaing pamproduksyon ng bansa. Para sa akin, ang pagpapatayo ng mga imprastraktura at mga serbiyong panlipunan ay maaaring makatulong upang tumaas pa ang ekonomiya ng bansa. Dapat pa nating panatilihin ang pagbabago at pagpapaunlad upang makahabol sa mga kalapit na bansa at nang sa gayon, mapalakas ang palitan ng produkto, mapabuti at mapadami ang oportunidad sa mga Pilipino, at maiwasan at mabawasan ang kahirapan sa ating bansa. Dahil sa pag gastos ng malaki ng gobyerno upang mapabuti ang ekonomiya ng bansa, nagdudulot ito ng kakulangan ng pondo sa ibang sektor na naglilimita sa gobyerno na makamit ang kabuuang pag-unlad ng ekonomiya. Sinasabing kaya mabagal ang pag unlad ng ating ekonomiya ay dahil mas matanda ang lakas paggawa ng Pilipinas kumpara sa iba pang mga bansa sa Timog-Silangang Asya, dahil na rin ito sa paglipat ng iba nating manggagawa sa ibang bansa upang doon magtrabaho. Hindi maiiwasang maraming manggagawang pilipino ang nagtatrabaho sa ibang bansa dahil na rin sa mas mataas ang pasahod sa ibang bansa, at marami ang umaasa na mas gaganda ang buhay nila doon. Dahil sa pag alis ng mga manggagawang pilipino tuluyang nababawasan ang may sapat na kakayahan upang magtrabaho dito sa ating bansa. Maraming dahilan kung bakit hirap ang ating bansa upang palakasin ang lakas paggawa sa ating bansa. Isa na rito ay ang tungkol sa edukasyon, kung ikukumpara ang edukasyon sa Pilipinas at sa bansang Thailand, hindi maikakailang mas lamang ang Pilipinas pagdating sa larangan na ito ngunit dahil sa kakulangan ng pondo ng gobyerno, hindi gaanong nabibigyan ng kalidad na pagsasanay ang mga kabataan. Kung ating titignan, maraming trabaho ang maaring ialok ng ating pamahalaan sa mga pilipino ngunit ang tanging problema ay kulang tayo ng mga taong may sapat na kakayahan at pinag-aralan para sa mga nasabing trabaho. Humihina ang ekonomiya ng Pilipinas dahil sa pagbaba ng lakas-paggawa sa loob ng bansa, ang patuloy na paglobo ng poplusayon sa bansa, at kakulangan ng pondo at masistemang kurikulum sa larangan ng edukasyon.

+sheryl oposa

9 comments:

  1. Andrea Pilipino is a proper noun kya dapat nakamalaking titik sya...other than that..your commentaries is good.. :)

    ReplyDelete
  2. kasali ba salakas- paggawa ang mga taong walang trabaho?

    ReplyDelete
    Replies
    1. yup! kung sa lakas paggawa ang pag-uusapan,tumutukoy ito sa kabuoang bilang ng tao o populasyon na nagnanais na magkaroon ng hanap buhay at may kakayahang maghanap buhay sa isang bansa o lugar...
      Kabilang sa lakas paggawa ang mga taong may hanap buhay(employed) o may roonb negosyo at mga taong walang hanapbuhay(unemployed) ngunit aktibi sa paghahanap ng trabaho.

      Delete
  3. Nope.. As long as Hindi po sila tumutulong upang makapagbigay ng serbisyo at makatulong sa paggawa ng produkto Hindi po sila belong..

    ReplyDelete