Isa pang panawagan para sa makabuluhang dagdag-sahod sa bayan at walang
humpay ang pagsirit ng presyo ng halos lahat ng bilihin mula de lata,
gulay,asukal, hanggang sa presyo ng langis. Sa pagbubukas pa lang ng 2011,
bumulaga ang pagtataas sa singil sa North Luzon Expressway (NLEX), South Luzon
Expressway (SLEX) at iba pang tollway. Sa SLEX, mahigit 300% ang itinaas ng
singil sa toll. Sinundan ito ng ratsada ng taas-presyo sa mga produktong
petrolyo, at ang pagtataas ng minimum na pasahe sa jeep ng piso patungong
P8.00. Sunud-sunod din ang pagtataas ng singil sa kuryente at tubig simula pa
lang ng nakaraang taon. Ang mga Pilipino ay nananawagan muli sa ating
pamahalaan na kung maari ay dadagan ang sahod ng manggagawa sa ating bansa at
ibaba ang presyo ng mga bilihin. Marami sa atin ang uma-aray dahil sa bilis ng
pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Sa kabila ng pagtaas ng mga bilihin ay
nakapagtataka na hindi magawa ng pamahalaan na dagdagan ang sahod ng bawat
Pilipino.
Sa bawat pagtaas ng mga bilihin ay sya ring baba ng sahod ng tao. Ang
pagtaas ng mga bilihin ay tiyak na nakaka-apekto sa bawat Pilipino. Ang iba sa
atin, kahit na doblehin pa nila ang kanilang paghihirap sa trabaho ay kulang pa
rin ang kanilang kinikita para sa pangangailangan ng kanilang pamilya. Kaya’t
kung sasabayan pa ito ng pagtaas ng mga bilihin ay wala ng matitira sa sahod ng
ating manggagawa. Maaring ang maging epekto nito ay ang pagdagdag ng mahihirap
sa pilipinas. Sa pagtaas ng maraming bilihin, maaaring mabawasan ang bilang ng
mga mamimili sa isang produkto na hinidi na kayang bilhin ng isang
pangkaraniwang tao. Kapag patuloy na nagtaas ang presyo ng mga bilihin ay
malilimitahan na lamang ang dami ng produktong binibili ng bawat pamilya. At
kapag ito naman ay nalimitahan bababa ang produksyon sa ating bansa at maaaring
masira na lamang ang mga produkto dahil sa hindi pagbili ng mga tao.
parang ang opening statement mo ay bitin,parang hinalaw mula sa isang artikulo...next time if you will use some statements in other article make sure to use proper quotations...para maidentify kung ano ang gawa mo at likha ng iba..
ReplyDeleteikaw nalang sana ang gumawa ull
Deletesus magbasa ka nalang kengkeng
ReplyDeletepoop
DeleteSana kumilos ang gobyerno para masulusyonan ang problemang to.Sakit.info
ReplyDelete😂
ReplyDeletehi
ReplyDeletelow
ReplyDeleteHi
ReplyDeletehi
Deletefrom 2021 lol
ReplyDelete